1. JAMES BOND - mga klaseng boyfriend the chickboy, talagang mahilig sa
babae. Ito yung klaseng boyfriend na parating nagbibigay ng sakit ng ulo
sa kanilang mga girlfriend. Madalas lumuwa ang mga mata niyan pag may
sexing babaeng nakikita.
2. PASTOR ELY - mga boyfriend na hindi
makabasag ng pinggan, kadalasang mababait at parang pastor na
nangangaral sa mga tao. Madalas niyang pangaralan ang kanyang girlfriend
tungkol sa mabubuting salita ng Panginoon. Very endangered ang mga
Pastor Ely, kaunting-kaunti lang sila pero magaling humawak ng relasyon.
3. COMMANDER ROBOT - mga boyfriend na seloso, over protective, at
paladikta sa kanyang girlfriend. Yung tipong ayaw niyang padapuin yung
kanyang GF sa ibang tao. Palagi siyang nakabuntot at binabantayan ang
bawat kilos ng kanyang GF. Madalas nasisira agad ang isang relasyon
kapag ang lalaki ay Commander Robot.
4. BED-KING - mga
boyfriend na kaya lamang gustong magka-girlfriend ay upang gawing
pampalipas-oras. Mga boyfriend na masyadong ma-L. Palaging gustong
matulog kasama ang kanyang GF. Sexually adventurous si bed-king at hindi
ideal ng mga Maria-Clara style na babae.
5. CRISOSTOMO IBARRA -
mga boyfriend na masyadong matatalino. Palaging pinaglalaban ang
kanyang mga karapatan. Minsan ginagamit ang katalinuhan upang mang-akit
ng girls. Palaban, madalas isinisingit ang kayang rights as BF.
Kadalasan ito ang mga boyfriend na walang gaanong looks pero dinadaan sa
utak ang pagsuyo sa babae. Masyado ring mapalabok ang kanyang sinasabi -
yung tipong matalinhaga at para kang magkaka-nose bleed pang kinausap
mo.
6. COCO-LOCO - mga lalaking kinababaliwan dahil gwapo, may
looks, kaya nga loco. Yun nga lang medyo matu-turn-off ka dahil kung ano
ang guwapo niya siya namang kawalan ng utak. Mga BF na sumusunod lang
sa agos, walang alam sa buhay. Walang talino in short. Coco dahil parang
empty coconut shell ang utak. Madalas ang GF ang sumasalo ng lahat ng
problema kapag may problemang dumating sa kanilang relasyon.
7.
UTO-UTO - from the word itself. Ito yung mga BF na madaling lokohin,
bigay-kaya kahit na alam na niyang niloloko siya. Madalas mahiyain ang
mga Uto-uto. Hindi makahindi sa mga girls. Kapag ikaw ang GF niya,
madalas ka ring magka-migraine dahil kahit na pangaralan mo e
tuloy-tuloy pa rin sa pagpapaloko.
8. MR. EASY-GO-LUCKY - mga
BF na kaya lamang nabuhay sa mundo e para mag-bunjee jumping at kumain.
Mga walang alam sa buhay, tamad, at sumusunod sa agos. May talino ang
mga ito, unlike sa mga coco-loco, ngunit hindi ginagamit ng husto.
Mabisyo rin ang ganitong type ng BF. Laging may hithit na sigarilyo,
laging nasa inuman, laging nasa lakwatsahan. Kung ikaw ang GF, iniexpect
niya lagi kang sasama sa kanyang mga gimmicks. Palatandaan ng mga
ganitong BF: palaging kasama ang kanyang mga ka-tropa.
9.
ECONOMISTA - mga BF na nakakaimbiyerna hindi dahil pangit ang ugali
niya, kundi masyadong BARAT, KURIPOT, at WAIS. Ito yung tipo ng BF na
kapag kakain kayo sa labas e sa karinderya ka ibabagsak, o sa tindahan
ng kwek-kwek. Less romantic ang mga ganitong BF dahil kapag mag-de-date
kayo e laging KKB as in KANYA-KANYANG BAYAD. Masinop sa pera, madalas
siyang magbigay ng mga regalo na mabibili lang sa Divisoria,
buy-one-take-one pa! Ito yung tipong BF na mas mahalaga pa ang pera
kaysa sa kanyang GF.
10. ROADRUNNER - mga BF na bigay-kaya
ngunit wais. Mabilis pagdating sa persistence. Ito yung BF na mabilis pa
sa alas-kuwatro pag susunduin niya ang GF sa school man o sa trabaho.
Bigay-kaya in a sense na madalas siyang may regalo sa kanyang GF, yung
tipong nakatatak na sa utak niya kung kailan ang birthday mo, monthsary
ninyo, birthday ng nanay mo, tatay mo, blah-blah. Pero may limitasyon
din itong si Road runner dahil pag nag-break kayo, sisingilin niyang
lahat ang mga naibigay niya sa iyo.
11. SALAWAHAN - very very
very basic. Mga BF na mahilig sa girls, kung magka-girlfriend e dalawa.
Minsan 3. Minsan 4. Mga traydor, palihim na sumisimple sa GF at
naghahanap ng panibagong GF. Madalas pinagsasabay ng mga ganitong BF ang
dalawa o higit pang relasyon. Madalas itong magbigay ng sakit ng ulo sa
GF lalo na kung selosa ang una. Katulad siya ni James Bond, in short,
pero ang Salawahan talagang lantaran sa panloloko sa kanyang GF. Ang mga
James Bond naman, on the other hand, ay madalas ligaw-tingin lang sa
makikita niyang sexy girls. Pero ang Salawahan, gagawin niya ang lahat
para lamang mapasakanya ang mga babaeng nais niya.
12. MR.
DREAMBOY - mga BF na masyadong sweet, caring, maalalahanin, thoughtful
at parang tutang sunud-sunuran sa GF. Ito yung mga BF na under-de-saya.
Sinasamba ang kanyang GF, in short. Ito yung mga BF na madalas tanungin
ang kanyang GF kung kumain na ito, kung naiinitan ito, kung nalulungkot
ito blah-blah. Pero kung ako ang GF, medyo maaasiwa ako sa mga Mr.
Dreamboy dahil para itong tutang susunod-sunod sa iyo. Kulang na lang
dilaan ang pwet mo kung tatantiyahin mo kung paano ka niya sambahin.
Perfect na sana si Mr. Dreamboy, yun nga lang medyo nakakaasiwa.
13. RICHIE-RICH - ito yung mga BF na hambog, mayabang kasi nga
mayaman-rich! Madalas maporma at laging new-wave. Kapag susunduin ang GF
laging naka-wheels. Minsan Inglisero, minsan Pilipinong-Pilipino,
minsan alien. Elite, maituturing siyang kabilang sa conyo sector. Yun
nga lang maiimbiyerna ng kaunti ang GF dahil masyadong paistariray ang
mga Richie-rich, gusto palaging bida. Kung mahal talaga ito ng GF,
maaasar siya ng kaunti. Kung pera lang ang habol ng GF, wala lang sa
kanya.
14. MR. NICE GUY - mga BF na masyadong matindi ang sense
of humor. Mga one-liner at joker kaya madalas sumakit ang tiyan ng GF
dahil sa katatawa. Parang Easy-go-lucky, medyo nakikiagos lang sa
sitwasyon. Minsan papansin din si Mr. Nice Guy pero hindi ka nga maaasar
sa halip matatawa ka lang sa kanya.
15. PAPA BORI - opposite
ng Mr. Nice guy. Mga BF na BULOK ang sense of humor. Madalas tahimik,
borrrriiiiiing, at corny. Heto yung tipong BF na parang may sariling
mundo, minsan parang may dinadaluhang lamay gabi-gabi kung tatantsahin
mo ang kanyang pagiging boring. Masyado ring problematic si Papa Bori at
mahirap pakisamahan. Madalas na rin siyang nabasted dahil sa kanyang
ugali.
16. PAPA BORITO - parang Papa Bori, salat sa sense of
humor, tahimik, boring, corny pero hindi problematic. Para lang siyang
may sariling mundo. Pero madali siyang pakisamahan. Mahiyain, medyo
madaling bolahin itong si Papa Borito kaysa kay Papa Bori na parang
laging galit sa mundo. Madaling pakisamahan ang Papa Borito at kung ikaw
ang GF, medyo pagtiisan mo ang pagiging tahimik niya.
17. MR.
RIGHT GUY - mga BF na guwapo, mabait, perpekto. Wala ka nang hahanapin
pa. Isa nga lang ang problema… HINDI PA SIYA PINAPANGANAK!