Search here
Monday, March 3, 2008
Dadating nga ba?
this is for all the singles in the
haus... or f u r taken..., just pass dis to your single friends.... its
worth sharing (daw oh)... ahaha!!!
Ilang ulit na bang nangyari sa iyo
ito? Ngayon ang kasal ng pinsan mo. Heto ka ang ganda-ganda mo.
Naghanda ka talaga dahil minsan-minsan
lang ang okasyon sa pamilya nyo. Kadalasan sa mga lamay
na lang kayo nagkikita-kita so ngayong
kasal ng pinsan mo, gusto mo namang maging maganda at mapansin nila.
Aba, napansin ka nga. Ganito ang tanong ng lahat ng kaanak mo sa iyo..."O
ikaw kelan ka ikakasal?"
"Uy, ikaw na ang susunod ano?"
Parang gusto mo na sa susunod na
lamay sila naman ang sabihan mo ng "Ikaw, kelan ka susunod?"
< hayup sa banat ah.
Huwag kang malungkot. Ito gusto nga kitang sumaya kaya sinulat ko ito.
Hindi ka dapat malungkot dahil
maraming posibleng dahilan bakit hindi
ka pa kinakasal o walang boypren hanggang ngayon. Hayaan mo silang
mainip sa paghihintay.
Basta kung okay ka, okay ka.
Hayaan mo tulungan kita mag-isip kung bakit wala ka pa ring boypren o asawa
hanggang ngayon. Naisip ko na 'yan eh.
Ito ang sampung dahilan bakit wala
pa.
1. Kailangan mong mag-concentrate sa career. Hindi na uso ang mga
babaeng pambahay ngayon.
Kalimitan meron ng tinatawag na career.
Habang hindi ka pa tinatamaan ng palaso ni kupido,
hamo na munang mag-concentrate ka
sa trabaho mo. Kailangan mong ma-achieve ang full potential mo bago ka
mag-asawa,
kasi 'pag nag-asawa ka na, tanggapin
na natin, iba na ang mga prioridad mo sa buhay. Lagi ng mauuna ang pamilya.
Habang feel mo pang lumaban ng lumaban
sa rat race at umakyat ng umakyat sa corporate ladder,
huwag mong panghinayangan na wala
ka pang sariling pamilya.
my comment: Tae hindi rin
noh...Mas gugustuhin ko pa maglaughtrip sa training ng Tamaraw at Tiger
kesa sa trabaho ko ngaun.
2. Masyadong mataas ang standards mo. Ibaba mo kasi ng konti, baka
naman kahit si Rizal hindi ma-achieve yung
standards mo. Tandaan mo, si Rizal kahit na bayani medyo babaero din. Walang
taong perpekto. Kahit naman
ikaw di ba? Meron ka ding kapintasan? Baba mo ng konti, yung makatarungang
pamantayan lang. Baka naman naghahanap
ka ng Richard Gomez eh Pokwang na
Pokwang naman ang dating mo. Lumagay ka lang sa dapat mong kalagyan.
Baka naman naghahanap ka ng kasing
yaman ni Zobel eh ikaw naman eh pobre din lang naman. Huwag.
Huwag ganoon. Baka naman naghahanap
ka ng smart, na gwapong, mayaman. Ate, kung ganon ang hanap mo,
malamang tatandang dalaga ka na talaga.
Di lahat binibigay ni Lord. Di bale kung salat sa face value, babawi na
lang
siguro yung sa bait at sa talino.
Kung puro face value naman, at salat sa kaalaman or masama ang ugali, manalig
ka na
lang na baka pag pinakain mo ng gulay
tumalino or ito the best, lahat naman ng tao nagbabago. Pwede pa 'yan bumait.
my comment: uh di nman...mataas
lang as in sa height ang hanap ko. hahaha
3. Hindi ka lumalabas ng bahay. O baka lumalabas ka nga ng bahay,
sa opisina lang naman ang punta mo. Huwag ganon.
Sumama ka sa mga kaibigan mo, mag-mall
ka, magsimba ka, mag-outreach program ka. Huwag mong pansin ang sarili
mo
sa bahay dahil wala talagang makakapansin
sa iyo sa bahay. Mag-aral ka ng painting, voice lessons at Yoga. Imaginin
mo
kung magka-boyfriend ka na Yoga master?
or di kaya, chef. O di ba cool 'yun? Magliwaliw ka sa bookstores, sa coffee
shops,
at kung saan-saan pang mataong lugar.
Baka sakali mapansin ka doon.
my comment: true pero...errr
wala naman akong mapapala sa paggala gala at pag gimik e. naman, nuod na
lang tau ng basketball games. pwede rin gumimik basta tiger kasama ha uh
sama niyo na rin si King. :P
4. Baka naman sobrang tapang mo. Oo nga naman, baka naman sobrang
masungit ka at natatakot sa iyo ang mga potential suitors
mo. Baka dapat kang maging approachable
ng konti. Baka masyadong maangas ang dating mo imbis na matuwa sa iyo matakot.
Baka sobrang
independent mo, at parang mabubuhay ka ng wala silang lahat. Minsan may
epekto rin 'yan. Baka sobrang talino ng dating mo
pakiramdam nila mababara lang sila
or baka 'pag pinadalhan ka ng love letter eh i-edit mo ng red ink pen.
Magkunwari ka kayang
t**** paminsan-minsan, tingin mo?
my comment: hoy friendly
kaya ako. sobrang friendly nasasabihan akong malandi, akala kasi nila nanlalandi
ako, e tlga naman pa cute ako makipagusap e.
5. Baka naman kasi losyang ka. Oo nga naman,mag-ayos ka paminsan-minsan
kaya lang kung pangit ka, pangit ka talaga.
No amount of make up can change that.
Pero at least pwede ma-enhance ng konti.
my comment: onga naman diba,
sino ba naman magkakagusto sau este sa akin kung sabog buhok ko diba? kamusta
naman un.
6. Baka naman hinahanapan pa ni Lord ng ribbon . Natatandaan ko
ang sabi ng kaibigan ko. Blessing daw
from the Lord ang mga girlfriends/boyfriends.
O eh baka naman hinahanapan pa ni Lord ng magandang
ribbon yung regalo mo. Kasi baka daw
'pag hindi maganda ang packaging i-reject mo.
my comment: di naman ako
maarte sa regalo noh. basta matino ka lang kausap (certified YUAP family
members wavelength) at HINDI KA MADALING MANIWALA SA MGA NANINIRA
SA AMIN.
7. Baka naman nagtitipid sa toll gate fee yung parasa iyo. Malay
mo kasi taga-Norte yung para sa iyo
eh mahal naman ang toll gate fee.
Baka nagtitipid dumaan sa walang toll kaya medyo natatagalan.
my comment: ay alam ko,
taga south siya...hahaha ay pwede na rin sa north...taga pampanga ba yan?
8. Baka naglakad yung para sa iyo. Parating na 'yon kaya lang mahal
ang gasolina so naglakad na lang
papunta sa iyo. Besides, walking is
good for the heart daw. Baka sa kakalakad naligaw na. Ito pa namang mga
lalaking ito,
hindi magtatanong kung hindi pakiramdam
nila naliligaw na sila.
my comment: kahit naman
maligaw siya kung ako tlga hanap niya mahahanap niya rin ako. diba?
9. Baka naman sadyang torpe lang yung para sa iyo. Baka naman nag-iipon
pa ng lakas ng loob o di kaya
nag-iisip pa ng magandang tiyempo.
Baka talagang hindi lang siya makapag-salita dahil sobrang mahiyain niya.
Baka naman dapat makiramdam ka rin
ng konti kasi talagang deadma ang dating nito.
Baka dapat tinatanong ng unti-unti.
my comment: o baka naman
sa sobrang bungisngis niya...hahaha...ayus magfiling daw ba? hahaha.
10. Baka naman talagang for single blessedness ka. Ipagdasal mo.
Baka naman kasi pinapagod mo ang sarili
mong kakaisip bakit you're still single
eh hindi naman kasi marriage ang plan ni Lord for you.
Paminsan-minsan magtanong ka kasi
sa Kanya baka naman ikaw ang naliligaw. Baka naman
ikaw ang nagtitipid. Baka naman kasi
ikaw ang torpe. Baka naman kasi ikaw ang problema.
my comment: jusko joke lang
un...natatawa lang ako sa mga reaction ng tao na tinatanong ko if bagay
sa akin magmadre
Gasgas man, pero sasabihin ko pa rin. Darating din Yun. Kung para sa iyo,para
sa iyo. Kahit iwasan mo para talaga sa iyo <sana naman trip ko un taong
un dba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha. panalo mga comments mo. HAHAHA ;p anak ka may pagnanasa ka tlga kay stepbro mo! jusme! dun ka nlng sa tga-pampanga na emo! =))
ReplyDeletedi si king un! mamee si dimple boy un! hahaha
ReplyDeleteah nagets ko na un kay king. hahaha...kasi pag may tiger (khasim) may king...package deal na un. hahaha
ReplyDeletewahaha. deny kpa nung una ah. hahaha. cge na nga, pgbgyan! haha
ReplyDeletetalagang revert to emo boy ako. hahaha... or cebuano boy...hahaha
ReplyDeleteayyy? ;p
ReplyDelete