Kapag:
1) May lakad, hindi ka man lang susunduin o ihahatid pauwi ng mga kabarkada mo. UMUWI KANG MAGISA! PAGBABAYARIN KA PA NG GAS O MAGPAPALIBRE PA SA IYO.
2) Normal na sa pandinig mo yung "Tara SEX tayo mamaya after training" Bastos sa pandinig ng iba pero ang totoong message lang naman eh, "Kain tayo sa Sinangag Express, Tangina Bro nakakagutom training"
3) Madalas ka nilang tanungin kung Maganda ba o Cute yung babaeng dumaan. Ang definition mo ng "MAGANDA" ay: nakakasawa nang tignan pag matagal,
"PRETTY o CUTE": di masyadong kapansinpansin pero hindi ka magsasawang
tignan.
4) Kapag may handaan, makikipagcontest ka pa sa kanila: Pabilisan makaubos, paramihan ng mainom na beer, paramihan ng shots, burp contest...lahat na ata ng kalokohang maisipan nila.
5) Alam mong mali yung nang 2time yung kaibigan mo pero sa sobrang immuned mo na sa mga kalokohan nila, kukunsintihin mo nalang. [THIS IS BAD, VERY BAD] at kapag alam mo mahuhuli na sila, gagawa ka ng paraan para malusutan nila ito [MAS MASAMA ITO]
6) Kahit anong gwapo o sweet pa ng mga kaibigan mo, hinding hindi ka maiilab sa kanila, kahit pa araw araw ka nilang tinatawag na "BABE", "LOVE" o "HONEY"
7) Hindi na magtatanong mga magulang mo kung sino mga kasama mo at di na nila sasabihin na "anak, hindi ba delikado na ikaw lang nagiisang babae sa lakad?" Kahit after 2 days ka pa umuwi ng bahay.
8) Kapag may mga overnight at out of town, walang mangyayari sa inyo kahit pa lasing kayong lahat at pagitnaan ka nila sa pagtulog.
9) Kapag may nagkakagusto sayo, asahan mo, dadaan yun isa isa sa kanila bago nya makuha matamis mong YES.
10) Kahit babae kausap mo, minsan natatawag mo na siyang "Bro", "Dude", "Tsong", "Pre" dahil ganyan ang tawag sa iyo ng guy friends mo.
at ito pinakagusto ko:
11) Pag yung crush mo eh athletic type, AY HAWAK GALORE KA SA ABS AT MUSCLES NYA :)) At pag nagpaturo ka sa kanya paano maging fit, hindi siya maiilang na turuan ka.
Eto naman ay based sa experiences ko with my friends. Maraming signs actually para malaman kung ONE OF THE BOYS ka na.
Kahit ganyan mga guy friends, mataas pa rin respeto nila sa akin kaya love na love ko sila.
Hindi masamang maging ONE OF THE BOYS. Yun lamang po!
I hope makatulong ito sa mga girls :)
No comments:
Post a Comment